Batang City High, Kampeon sa BFP Pangasinan’s 1st Digital Poster Making Contest!
🖊️Art | Setyenbre 9, 2023
Dagupan City, Pangasinan - Nagpamalas ng kahusayan at talento sa sining ng digital poster making si Ms. Ashley Cabison, mag-aaral ng Science and Technology and Engineering Program ng Dagupan City National High School. Sa pamamatnubay ng kanyang Coach na si Bb. Lora Thana Santiago, nang tanghaling kampeon sa BFP Pangasinan's 1st Digital Poster Making Contest.
Ipinakita ni Ms. Cabison ang kanyang husay sa paglikha ng isang makabuluhang digital posters na nagpapakita ng kahalagahan ng fire safety at disaster preparedness. Nagbigay-daan ang kanyang husay sa paggamit ng mga teknolohiyang pangkompyuter upang maiuwi ang tropeo sa nasabing paligsahan.
itinatampok niya ang kahalagahan ng edukasyon sa kaligtasan mula sa sunog at kalamidad. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang kagalingan sa sining, kundi pati na rin ng kanyang dedikasyon na maging isang mabuting mamamayan.
Ang BFP Pangasinan, ay nag-organisa ng nasabing patimpalak upang magkaruon ng pagkakataon ang mga kabataang may talento sa sining at teknolohiya na maipakita ang kanilang kakayahan sa larangan ng kaligtasan sa pamamagitan ng sining. Samantala pinili naman ng BFP Dagupan si Ms Cabison sa pamumuno ni FCINSP Michael John V. Escaño, upang maging kinatwan ng BFP Dagupan sa nasabing kompetisyon.
Isang malaking karangalan ito para sa Dagupan City National High School at sa buong komunidad ng Dagupan City na magkaruon ng tagumpay sa isang pambansa at teknolohikal na patimpalak. Ang tagumpay ni Ms. Ashley Cabison ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon at husay sa sining, at ito ay isang inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na susunod sa kanyang yapak.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na napagtutulungan ang pag-unlad ng sining, teknolohiya, at edukasyon sa ating bansa. Pagbati kay Ms. Ashley Cabison, Miss Lora Thana Santiago, at sa buong Dagupan City National High School sa pamumuno ni G. Willy U. Guieb, punungguro at Gng. Susan Saldajeno Head teacher VI ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa inyong tagumpay sa BFP Pangasinan's 1st Digital Poster Making Contest!