DCNHS Parent-Teacher Association General Assembly: Pagkakaisa Para sa Edukasyon"

🖊️Art | Setyenbre 20, 2023 

Nagtipon-tipon  ang mahigit isang libong mga magulang at mga guro sa Angara Gymnasium ng Dagupan City National High School (DCNHS) noong ika-19 ng Setyembre 2023 para sa kanilang taunang General Assembly at Election of Officers. Ipinagdiwang ang pagkakaisa sa pangunguna nina Dr. Willy U. Guieb,  Principal IV ng DCNHS, at G. Gerry Pradez, Kasalukuyang Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA). 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni G. Guieb na  "Ang isang matagumpay na paaralan ay hindi magiging posible nang walang aktibong pakikiisa mula sa mga magulang. Ang ating PTA ay nagbibigay-daan para sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng paaralan at mga tahanan, at sa pamamagitan nito, makakamtan natin ang mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa ating mga mag-aaral."

 

Samantala, ipinaabot naman ni G. Gerry Pradez ang kanyang pagtitiwala sa mga miyembro ng PTA, "Bilang kasalukuyang Pangulo, ako ay nagagalak na maging bahagi ng pagsulong ng aming samahan. Kasama natin ang bawat isa sa pag-aambag sa ikauunlad ng ating paaralan. Ang eleksyon ng mga opisyales ay isa lamang simula. Sa pagtutulungan natin, mas magiging makabuluhan ang ating mga proyekto at aktibidad para sa kabutihan ng mga mag-aaral ng DCNHS."

Sa kalakip na bahagi ng General Assembly, iniharap ang Presidents Report at Treasurers Report upang ipaalam sa mga miyembro ang mga nagawa at nagastos ng PTA nitong nakaraang taon.

Nang sumunod na araw, Ika -20 ng setyembre ginanap naman ang  eleksyon para sa pangkalahatang pamunuan ng DCNHS SPTA  kung saan muling nahalal na pangulo para sa kanyang ikalawang termino si G. Gerry Pradez, muli ding nahalal sa kanyang ikalawang termino si G. Eric Caballero,  samantala nahalal bilang kalihim si Bb. Katherine Meneses,  Ingat-yaman , Gng  Elma Hortaleza, disbursing officer , Gng. Karyll Delos Santos, at mga Board of Directors na sina  G. Edwin Cusi, G. Mark Christian Tibudan, Bb.Lora Thana Santiago, at  Gng. Jennifer Dalmacio .para sa SPTA ng DCNHS.

 Ang DCNHS Parent-Teacher Association ay patuloy na nagbibigay halaga sa edukasyon at pagsasanay ng mga mag-aaral ng paaralan, at nangunguna sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng mga magulang at guro upang maging mas makabuluhan ang kanilang edukasyon.