SDO DAGUPAN ACCREDITED LEARNING FACILITATORS, SUMABAK SA MATINDING PAGSASANAY
🖊️Art | Hulyo 28, 2023
SDO DAGUPAN ACCREDITED LEARNING FACILITATORS, SUMABAK SA MATINDING PAGSASANAY
🖊️Art | Hulyo 28, 2023
DAGUPAN CITY - Sa layuning mas palawakin at paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga guro sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga palihan, capacity building at workhops sa Lungsod Dagupan, isinagawa ang tatlong araw na capacity building seminars sa mga araw na Hulyo 14, 21 at 28, 2023 sa The Monarch Hotel , bayan ng Calasiao.
Aabot sa 40 guro mula sa mga paaralang elementarya at sekondarya na nagtuturo ng iba't ibang asignatura ang aktibong nakilahok sa naturang pagsasanay. Bawat isa sa kanila ay mahuhusay sa kanilang larangan bilang mga Highly Proficient at Proficient na mga guro.
Pinangunahan ang pagsasanay nina Asst Schools Division Superintendent, Dr. Marciano U. Soriano Jr. at Dr. Michelline V. Rivo, Education Program Specialist sa Human Resource and Development.
Naimbitahang magbigay ng kanyang panayam bilang isa sa mga resource speakers, si Dr. Dinah Bonao, Regional Chief Education Supervisor sa Human Resource and Learning Development na tinalakay ang mga paksang "Planning on Learning and Development Programs, Types of Learning and Development Intervention, at NEAP and PRC Accreditation."
Sa kanyang panayam, sinabi ni Dr. Bonao na Ang pagbibigay ng tamang training design ay kritikal sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga guro. Ito ang magiging gabay nila sa pagpapatupad ng mga gawain at seminar na magpapaangat sa antas ng pagtuturo at pagkatuto ng ating mga guro maging sa pagpapatupad ng mga learning and development programs ng DepEd."
Samantala , tinalakay naman ni Gng. Maricris Ferrer, Principal Iv at isa ring Akreditong Regional Facilitator ang paksang paggawa ng mga session guides, Monitoring ang Evaluation sa desinyong Kirkpatrick at assessment tools. At kanyang sinabi na "Sa paggawa ng mga session guides at pagmamanman at ebalwasyon ipinapakita natin ang halaga ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa mga gawain sa larangan ng edukasyon. Ito ang susi para masigurong ang bawat hakbang na ating ginagawa ay may malalim na basehan at mas magiging epektibo para sa lahat ng mga guro at mag-aaral. Magsilbi itong gabay tungo sa mas maayos na landas ng paglinang ng kaalaman at pag-unlad ng bawat gurol."
Sa pagtatapos ng tatlong araw na pagsasanay ay hindi naman nagpahuli sa kanyang pampinid na mensahe si Dr. Soriano at nag-iwan ng mga katagang Ang pagsasanay na ito ay isang malaking hakbang sa pagpapaunlad ng ating mga guro. Sa pamamagitan nito, mas mapapaigting natin ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay natin sa ating mga mag-aaral, at mas mapalalim ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga asignatura na kanilang tinututukan maging ang maayos at wastong pagdadaloy ng mga learning and development programs para sa mga guro"
Sa 40 mga gurong sumabak sa pagsasanay 15 dito ang mga guro mula sa DCNHS na aktibong nakiisa sa naturang pagsasanay. Sila ay sina Dr. Herbert R. Perez, Dr. Jayson Cancino, Dr. Inee Camota, G. Micheal Angelo Gatchalian, G. Alvin Natividad, G. Alvin Smith Mendoza, G. Anthony Rominck Junio, G. Cayetano Carrera, G. Enrico Lee Suarez, Gng. Charmesh Valdez, Bb. Katherine Meneses, Bb. Lora Thana Santiago, Gng. Marilyn Bernardino, Gng. Rose Ann Cancino, Bb. Ruela Barcelona, Bb. Sarah Jane Ferrer, at Gng Sheryl Borja.
Sa likod ng matagumpay na pagsasagawa ng Pupusang Pagsasanay, inaasahang mas mapatatag pa ang kakayahan at kaalaman ng mga guro sa Lungsod Dagupan, na naglalayong maghatid ng mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa kabataan at maisabuhay ang DepEd mantra na MATATAG: Batang Makabansa, Bansang Makabata.